Saturday, May 2, 2009

Huge day this Sunday..

May 03, 2009, isang napakagandang araw sapagkat marami taung aabangan.. isan na dito ang the battle of the east and west, eto ang sagupaan ni Pacquiao at ang briton na si Ricky Hatton.. Pacman vs. Hitman daw.. maraming mga boxing experts ang nagsasabi na ito ay magiging isang madugong laban.. mas marami daw dugo kay hatton sapagkat madali raw ma-cut ang mga europeans, ibig sabihin mas mabilis silang dumugo.. kaya nasabi nilang magiging madugo ang laban, siguro dahil maraming pakakawalang nakamamatay na suntok si Pacman at sasabog ang mukha ni Hatton at eto na nga ang sinasabi nilang dugo.. sa undercard naman ng sagupaang pacman-hitman, lalaban ang isa pa nating kababayan na si Bernabe Concepcion (tama ba?).. at kasama rito ang mga ibang Mexican Boxers, at kinumpirma na rin na ligtas sila sa kumakalat na swine flu Virus.. talaga lang ha.. aha.. isa rin sa aabangan ngaung linggo ang game 7 or deciding game ng Chicago Bulls at Boston Celtics.. isa raw ito sa pinakaexciting at pinakamemorable na series sa kasaysayan ng NBA playoffs, sapagkat halos lahat ng game nila ay umabot sa Overtime.. ang game 1 kung saan nanalo ang chicago bulls sa balwalte ng Boston Celtics sa OT, nagtala dito si Derrick rose, ang rookie of the year, ng 36 puntos at 10+ assists, eto raw ang hindi nagawa ni Jordan na naachieve ni Derrick Rose sa kanilang playoff debut sa kasaysayan ng Chicago bulls, maging sa kasaysayan ng NBA playoffs sapagkat tinalo nya si Kareem Abdul-Jabbar.. game 4 naman sa Chicago.. nanalo ang chicago sa 2OT.. game 5 sa Boston.. nanalo ang Boston sa OT.. at ang game 6 sa chicago, nanalo ang chicago bulls sa 3OT.. marami ring nangyari nung game 6, nagsuntukan ang dalawang players at dumugo ang ilong ni Paul Pierce dahil aksidenteng nasundot..

hindi ko alam kung ano ang papanuorin ko, kung ang Pacman-Hitman fight, o ang Bulls-Celtics game 7.. dahil halos magkapareho sila ng oras.. siguro palipat lipat nalang.. madalas namang magcommercial sa Pacman-Hitman fight e, un ung nakakainis e..

0 comments:

Post a Comment