Friday, April 17, 2009

Buhay ulit..

matagal tagal na rin na hindi ko nabuksan ito.. actually tinatamad ako lagi e.. hehe.. kaya pala si pia ay di na nya binubuksan yung kanyang blog dahil cguro tinamad na rin sya.. tsk3.. pero hindi ako tinamad sa paggawa ng mga videos para iuupload ko sa youtube.. mayroon na akong naupload na isang videos na walang kinalaman sa eskwelahan namin or ung mga projects namin sa skul.. den the rest ay un na nga.. http://www.youtube.com/user/thehighflyervince .. nakakatuwa lahat ng vids, lalung lalo na si alano.. wala lang.. haha.. kung gusto nyo sya makita, sa philippine national anthem, nandun sya at mukhang tanga.. haha.. joke lang.. talagang kasama lahat yun, mga pinaggagawa nya ay utos namin iyon, yun ay para mapaganda ang napakapangit na video namin.. haha.. ayaw nga ni mam via na iplay iyon noong graduation at iba pang program.. sabi pa nya na tanggalin ko raw si Alano dun.. sabi ko sa kanya, mam, naaawa ako kay alano kasi gusto nyang sumikat tulad ng ginawa naming pagpapasikat kay Vic Gaspar na ngayo'y isa nang bakla, hindi ko kayang burahin si Alano dun kasi pangarap nya talaga iyon, ang sumikat, pasensya na po kung nilabag ko po ang iyong utos pero ito po ay para kay Alano, mamamatay po sya kung buburahin ko sya doon.. kaya hindi na nya ipinlay ung amin kundi sa ibang section na may kaparehong project samin.. nakakalungkot talaga.. kaya inupload ko iyon sa youtube, nagbabakasakali lang na sumikat sya.. teka, sisikat ba talaga sya?? tama na yan, too much Alano already.. ang bilis ng araw talaga, April 17 na agad.. birthday na agad ni Pam.. hapi birthday Skye.. hehe.. ang daming pangyayari na nagdaan.. grabe.. pero masaya ako kasi magaganda naman ang mga pangyayari, tulad nung nagbati na kami ng bestfriend ko.. ang saya ko talaga nun.. tska nung nakuha ko na ung card ko.. kinakabahan pa ako nun habang naghihintay sa labas ng faculty.. pucha! ang tagal tlaga akong naghintay nun.. hayop! ayoko namang magbasketball kasi ang init talaga.. kaya nakatulog ako nun.. pero sulit naman ang aking paghihintay ng katagal tagal dahil maganda naman ung resulta ng grades ko.. ang nakakagulat talaga ung Eko.. grabe! from 82 naging 90.. wow.. cguro nakita ni espaks ung ginawa kong music videong "in the eko".. cguro thankful sya sakin dahil pinasikat ko ang kanyang subject.. hmm.. pero nag-aral naman talaga ako e.. hehe.. bakasyon na nanaman.. eto, nasa bahay lang, nakatunganga.. ndi kami nagbakasyon kahit saan.. siguro pag ako ay magbabakasyon ay sa basketball court.. ang kinaiinisan ko talaga ay wala talaga akong masalihan na liga.. nakakainis.. kaya tunganga lang sa bahay.. kain, tulog, laro, gawa videos.. un lang.. tsk3.. pero masaya na rin kahit gnun.. hanggang d2 muna.. naku.. di ata ako tinamad sa pagttype ng ganitong kahaba.. nyek.. nice..

0 comments:

Post a Comment