Los Angeles Lakers, kontra sa Orlando Magic.. marami ang umaasa noon na may mangyayari Kobe-LeBron showdown sa Finals, pero sila, maging ako ay nagkamali dahil instead, kobe-Superman ang magaganap.. tinalo ng Lakers ang matibay na Denver Nuggets sa kanilang laban sa Western Finals, 4 Games to 2, samantalang ang Magic ay nanalo sa Cavaliers ni LeBron james sa Eastern Finals, 4 Games to 2 din.. Ang orlando magic din ang tumalo sa defending champion, ang less- Garnett Boston Celtics, 4 games to 3 sa eastern semi finals.. nakalusot din sa matinding hamon ang Lakers matapos talunin ang less-McGrady houston Rockets sa western finals, 4 games to 3 din.. at ngaun ay nagtagpo na sila sa Finals.. game 1 ay nagsimula na kahapon.. tinambakan ng Lakers ang Orlando magic.. nagkamit si Kobe ng 40 points.. habang ang mga stars ng Magic ay tahimik at si Pietrus ang highest score sa Magic na may 14 points lang.. di rin tumalab ang kanilang 3 point shooting na tumalo sa Cavaliers..
nawawala na siguro ang bisa ng magic ng Orlando, at mukhang hanggang dito na lang sila.. una silang nakapasok sa NBA finals noong 1995 at pangalawa lang itong taon.. noong 1995 ay si Shaquille O'Neal pa ang may hawak ng Magic, ngunit nawalan ng bisa ang kanilang magic nang makalaban nila ang Houston Rockets ni Olajuwon sa NBA Finals at masweep sila 4 games to nothing.. kaya ang prediksyon ko ay tulad nung 1995, baka masweep ulit sila sa ikalawang pagkakataon..
manuod nalang tayo ng mga susunod pa nilang laban..
Kita ko sa Basketball....
Tuesday, January 20, 2009: 2 Games
1st: Lost -P10.00
2nd: Win +P10.00
Wednesday, January 21, 2009: 3 Games
1st: Win +P10.00
2nd: Win +P10.00
3rd: Lost -P20.00
Thursday, January 22, 2009: 1 Game
Lost -P10.00
Friday, January 23, 2009: 1 Game
Win +P10.00
Tuesday, January 27, 2009: 1 Game
Lost -P10.00 (Lagi nalang talo! Ang lalaki kasi ng kalaban e!)
Wednesday, January 28, 2009: 2 Games
1st: Win +P10.00
2nd: Win +P10.00
(Nakabawi din!)
Saturday, January 31, 2009: 3 Games
1st: Lost -10
2nd: Win +10
3rd: Win +10
Thursday, February 5, 2009: 1 game
lost -10
(Injured: Feb 14- Feb 26)
Thursday, February 26, 2009: 1 game
win +10
Saturday, February 28, 2009: 1 Game
lost -20
SHIT! GUSTO KO NANG MAGBAGONG BUHAY!
My Blog List
-
-
-
-
ang paboritong libro ni Hudas - bob ong13 years ago
-
-_-15 years ago
-
calling palma, jerome and group416 years ago
-
ang tagal16 years ago
-
-
Saturday, June 6, 2009
Magic stunned Cavs, wins the Eastern Finals
Natalo ang aking team at ang number 1 team sa NBA, ang Cleveland Cavaliers sa Orlando Magic, 4 games to two.. ngunit kahit natalo sila, marami namang memorable plays.. Game 1 nila sa The Q, sa Cleveland un a, maraming nag-eexpect na tatambakan ng Cavs ang Magic dahil sa kanilang home court advantage at makapangyarihan talaga ang kanilang home court dahil ang record nila sa the Q ay 39-2 lang naman.. kaya maraming nagsasabi na mananalo ang Cavs sa game na iyon.. ngunit ang inaasahan ng tao ay hindi nangyari, instead, natalo ang Cavs ng 1 point.. lahat ng Cavs fans ay nastunned sa nangyari dahil halftime nun ay ang laki ng lamang nila sa magic, at di inaasahan na mahahabol nila ito sa pamamagitan ng kanilang 3 point shooting.. At si King james ay talagang napagod pagkatapos ng game.. game 2, gaganti ang Cavs sa Cleveland pa rin.. 1st half ay lamang sila ng 23 points, ngunit nahabol ito ng Magic sa 2nd half, katulad ng kanilang game 1.. lumamang ang Magic sa mga huling segundo ng kanilang laban sa pamamagitan ng jump shot ni Hedo.. ngunit may 1 secong pang natitira at lamang ang orlando ng 2.. pinasa ni inbounder Mo Williams ang bola kay LeBron at sabay tira sa tres sa depensa ni Hedo, tumunog na ang oras at pumasok ang tres.. halos mabakla si Lebron nang napayakap ito sa mga teamates sa tuwa.. masaya ang Cavs fans nun dahil hindi nangyari ang nangyari nung game 1.. game 3 at 4 ay sa Orlando.. di inaksaya ng Magic ang pagkakataon.. at nanalo sila sa nasabing game.. lamang na sila 3 games to 1.. ngunit di pa tapos ang laban.. balak bumangon ang Cavs sa pagkakatambak... nanalo ang cavs sa game 5 sa the Q sa pamamagitan ng triple double ni LeBron james.. ngunit game 6 ay para sa Magic.. nanalo ang magic 4 games to 2.. dismayado ang mga Cavs fans dahil number 1 pa naman ang team nila at nandun pa ang MVP.. kaya pasok ang Magic sa Finals for the first time since 1995 nung nandun pa si Shaq.. makakasagupa naman nila ang Los Angeles lakers, kamakailan lang tinalo ang Denver Nuggets, 4 games to 2 din..
dahil sa talo na ang Cavs, doon na ako sa Lakers ni Kobe.. sapagkat mahihirapan ang magic sa Lakers.. nandun kasi si Kobe (Scorer, 3 pointer), gasol (Centro, isa sa magbabantay kay Howard), Bynum (Isa rin sa magbabantay kay Howard), Ariza (stealer, High-flyer, 3 pointer), at si Fisher (point guard)...
dahil sa talo na ang Cavs, doon na ako sa Lakers ni Kobe.. sapagkat mahihirapan ang magic sa Lakers.. nandun kasi si Kobe (Scorer, 3 pointer), gasol (Centro, isa sa magbabantay kay Howard), Bynum (Isa rin sa magbabantay kay Howard), Ariza (stealer, High-flyer, 3 pointer), at si Fisher (point guard)...
Subscribe to:
Posts (Atom)
Bout the Highflyer....
simple, makulit minsan, tahimik din minsan.. sa basketball ay walang inuurungan.. minsan ay mahiyain, pero sa basketball ay walang hiya.. haha.. syempre, addictus sa basketball e.. obvious ba??? talagang ganun.. di complete arraw ko pag walang basketball and my inspiration.. sinu kaya inspiration ko? tsktsktsk.. just ask my friends about that.. 16 years old na ako, 3rd yir high school sa PUPLHS.. masipag na bata.. pero noon hindi kasi medyo di ako seryoso sa studies ko.. pero narealize ko na ang lahat... kaya eto na ako ngaun.. kaya kahit ganito ako ay very proud ako sa sarili ko.. i love numbers, kaya favorite ko ang Math.. haha..
marami ang nagpapasaya sa aking buhay.. eto:
-Basketball
-PC
-makipag-asaran
-mag-aral
-kumain
-At kung anu ano pa...